At the finish line

Manalo man o matalo, handa na akong maglingkod sa aking mga kapwa manunulat, patnubayan ang kapakanan ng Pamayanang Lasalyano, at humarap sa mas marami pang mga pagsubok nang may pagtitiwala – dahil alam kong nasa tabi ko ang lahi ng matatapang.

Isang paalala sa aking sarili na isa akong mabuting staffer ng APP at mabuting kasapi ng Balita, ano man ang mangyari. 🙂

Special mention muna sa non-Balita friends ko na wala nang ginawa kundi ang asarin ako maging sa pinaka-vulnerable state ko: Justine, Chai, Mars, at Nadine. Salamat sa suporta niyo. Hindi ko man madalas sabihin pero laking pasasalamat ko na nasa tabi ko kayo. Masuwerte akong may mga mabubuti akong kaibigan gaya niyo.

Para naman sa lahat ng taong naniwala sa kakayahan ko, salamat sa tiwala ninyo. Isang malaking karangalan na pagkatiwalaan ng mga taong gaya niyo na may nakaaangat na pagmamahal para sa pahayagan. Minsan nga iniisip ko, hindi yata ako karapatdapat sa tiwala niyo. Pero, salamat, kasi tinuruan niyo akong magtiwala sa sarili kong mga kakayahan at lumaban para sa bagay na mas nakahihigit sa akin. Pinaalala niyo sa akin kung bakit ko minahal at patuloy na minamahal ang pagsusulat. Hayaan niyo, pagbubutihan ko. Oo, best kasapi pa rin. Patuloy akong magpupursige upang maging mahusay hindi lang para sa pahayagan, kundi para din sa aking sarili.

At higit sa lahat, isang masigabong palakpakan at mainit na yakap para sa aking pinakamamahal na kapatid, si Bianca. Sabi ko naman sa ‘yo diba, simula’t simula pa lang hindi naman ako nawalan ng tiwala sa ‘yo. Wala akong pinagsisisihan dahil alam kong nasa mabuting kamay ang seksyon natin. Naniniwala akong aagalaan mo kami. Huwag kang mag-alala, tutupad kami ni Maedelle sa usapan natin. Sabi mo nga diba, forever loyal VP’s. Hindi natin hahayaang muling lumubog sa putikan ang pinakapremyadong seksyon ng Plaridel. Kaya natin ‘to, kapatid!

MABUHAY ANG LAHI NG MATATAPANG!

Oo, kaartehan lang naman talaga ‘yung “At the finish line” na title ko. Kasi diba EB race = finish line. Get it, get it? Pero, ayun. Hindi naman talaga ito ang ‘finish line’ kasi simula pa lang ito ng mas marami pang mga taon ng pagpiglas para sa katotohanan. :>

Hangga’t buhay ang Pahayagan, patuloy pa rin tayong magiging matapang.

PARA SA SEKSYON NG BALITA AT PARA SA PLARIDEL 29! 🙂

226777_4998060551028_1578705875_n  970121_613894835287538_1354404544_n

944402_613894891954199_1441795749_n  936214_613894825287539_716363101_n

946168_613895131954175_1360941031_n  934965_613895105287511_1265616420_n

Photos from: Paul Uy

Advertisements