Venoms and antidotes

Perhaps we feel that we need to share this venom with the people who love us most because only they are equipped with the antidote, the feeling of being truly loved and understood in spite of your more unflattering angles. We feel cleansed in their pain, and then we hate ourselves for making them suffer at our hand.

Quoted from: http://thoughtcatalog.com/2013/your-real-love-is-the-one-you-hurt/

Minamassacre ko na ‘yung sarili kong feelings.

Masokista yata talaga ako. Gusto ko ‘yung nasasaktan ako.

Saan ka naman nakakita ng nilalason na, nasasarapan pa sa lason? Ako lang yata eh.

Ang hindi ko namamalayan, ‘yung sakit pala na akala ko ako lang ‘yung nakararamdam, nararamdaman rin pala ng iba. ‘Yung akala mo nakawala ka na sa oras na nailabas mo na. Hindi pala, kasi bumabalik din lahat sa ‘yo kapag pati silang mga taong mahahalaga, nalulungkot na rin para sa ‘yo.

Kumbaga lahat ng inis, galit, lungkot, pait, at kung ano-ano pa na ibinabato ko sa mundo, kayo ‘yung sumasalo.

Para kasi akong bangkang puno ng butas. Palubog nang palubog, pero pilit niyo akong iniaahon mula sa pagkalunod.

Alam kong mahirap akong basahin kasi hindi ako marunong mag-express ng feelings straightforwardly. Pero gusto ko ‘yung binabasa ako. Ayoko ‘yung ako ‘yung mismong nagpapaliwanag ng sarili ko sa iba, kasi mahirap at tsaka, sabi ko nga, hindi ako marunong. Kaya salamat, kasi pinipili niyong manatili sa tabi ko kahit madalas, mahirap akong maintindihan.

Sa totoo lang, hindi ko mapigilan ‘yung sarili kong maging malungkot, kasi ito ‘yung kauna-unahang pagkakataong walang pag-iimbot kong gustong gumawa ng mabuti sa iba. Ito lang naman ‘yung tanging bagay na hiniling ko na hindi naman para sa sarili ko, ayaw pa ibigay sa akin.

Wala lang. Ang damot lang ng mundo.

Hindi ko naman gustong mainggit. Pero naiinggit ako. Masama ba ‘yun? Siguro nga masama. Pero, ayun. Tao lang. Patawad.

Pakiramdam ko tuloy hindi ko deserve ‘yung ganitong mga tao, kasi madalas naman akong makasakit. Kaya nga ang suwerte suwerte ko na may mga tao palang humiling rin na maging masaya ako. For once, ibang tao naman ‘yung humihingi ng kaligayahan para sa akin, hindi ‘yung ako ‘yung parating humihiling ng kaligayahan para sa iba.

Ayun. Sana nga.

Sana.

Kahit na hindi ko pa alam kung paano.

At ayan na naman po ‘yung napakabigat na feeling na ‘yon. Nakakalimutan ko na kanina eh.

Hay. Makatulog na nga.

[Sinubukan ko talaga ‘tong isulat sa English, tutal puro mga foreigner naman ang followers ko dito sa WordPress. Well, iilan lang naman sila pero foreigner pa rin diba. Pero wala eh, hindi na talaga kinakaya ng utak kong magpaligoy-ligoy pa, alas kwatro na. *Hashtag* madaling araw feels. Muli, pasensiya na.]

Advertisements